Huwebes, Setyembre 10, 2009

Bagsik ng Batas Militar (Unang Bahagi)

Taong isanglibo siyam naraan pitumput dalawa. Ano ang naaalala natin nung mga panahon na ito? Ito ang taon na ang unang scientific calculator ay naimbento. Si U.S. swimmer Mark Spitz ay naging unang atleta na nagwagi ng 7 gintong medalya sa Olympics. Sa taon ding ito inaresto si Beatle frontman Paul McCartney at asawang Linda McCartney sa Sweden dahil sa pag-iingat ng droga. At sa panahon ding ito, naitala ang isa sa pinaka madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas, ibinaba ni Pangulong Ferdinand Marcos ang Batas Militar o ang Martial Law.

Ang bagsik ng Martial Law ay laman ng aklat ng ating kasaysayan. Masarap pakinggan ang mga kwento ng mga matatanda tungkol sa karanasan nila. Ako’y nag-aral at nangalap ng mga importanteng impormasyon patungkol dito. Nguni’t bago natin tahakin at balikan ang landas ng malupit na Batas Militar, atin munang kilalanin ang itinuturong utak nito, si Pangulong Ferdinand Marcos.




Si Marcos ay isa sa pinaka-matalinong Pilipino ng kanyang henerasyon. Siya ay estudyante ng Law school at sa edad na 21 ay nasangkot sa isang kontrobersyal na insidente. Ang kanyang ama, si Mariano Marcos ay natalo kay Julio Nalundasan sa eleksyon sa pagka- Kongresista ng Ilocos Norte. Isang gabi matapos ang eleksyon, habang nagsisipilyo sa bintana ng kanyang bahay, si Nalundasan ay binaril at napatay. Ang pangunahing suspek, si Ferdinand Edralin Marcos. Napatunayan siyang pumatay at nahatulang mabilanggo ng 17 taon. Habang nasa kulungan, ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral at naging top notcher pa sa Bar Exam. Sa Korte Suprema, ipinagtanggol niya ang kanyang sarili. Si Jose Laurel ang hukom na duminig ng kanyang kaso. Nanghihinayang siya sa talino ni Marcos na hindi pakinabangan ng mga Pilipino kaya’t ito’y kanyang pinawalang sala.

Tatlong-taon nanungkulan si Marcos bilang Kongresista at pagkatapos ay naging numero unong senador. Naging Senate President din siya, posisyong tuntungan para sa mga nangangarap na maging Presidente ng bansa. Noong 1966, si Marcos ay nahalal na Presidente ng Pilipinas. Noong sumunod na taon,sa eleksyon sa pagka senador, lahat ng kandidato ni Marcos ay nagwagi maliban sa isang kandidato ng partidong Liberal, si Benigno “Ninoy” Aquino.

Sa susunod kong post, atin nang babagtasin ang landas ng Martial Law at ipakikilala ang mga taong naging bahagi nito. May sarili pong bersyon ang gobyernong Marcos, nguni’t ito po ang bersyon na aking pinaniniwalaan. Muli po,paalala lang, nasa inyo pa rin ang pinal na paghuhusga!

1 komento:

  1. hello poh kuya paki add na lang poh ako sa fs and facebook thanks marjunsarmiento@ymail.com

    http://angaklatnawalangpamagat.blogspot.com/

    TumugonBurahin