Martes, Mayo 19, 2009

Noon at Ngayon, bow!

Haayyy, ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang wala kong ginawa kundi maglaro, maglaro at maglaro. Ang oras di mo namamalayan na nauubos. Noon pag magbebirthday, tuwang-tuwa ka. Pero sa paglipas ng panahon, kada birthday mo feeling mo tumatanda ka. Dumadami wrinkles, pumuputi ang buhok, sumasakit ang gulugod at worst nauubos ang buhok. Aray! Kapag ganito ka na, sarap ng sariwain ang iyong kabataan. Minsan sa iyong pag-iisa, subukan mong gunitain ito at malamang na matawa ka. Hayaan mong tulungan kita at gabayan sa paggunita sa nakaraan.




Noon... hihiram ka ng betamax tape para makapanood ng pelikula.
Ngayon... kinabukasan yung pelikula, nasa Quiapo na.




Noon... inabot ko ang chickenjoy na P 25.00 lang.
Ngayon...yung bente singko pesos mo, sakay ka LRT ng two way, kulang.

Noon.... hirap magpakabit ng telepono.
Ngayon... kahit pre-paid meron nito kahit saang kanto.




Noon... kapag summer, sa Baguio masarap tumambay.
Ngayon... lahat nandun sa Boracay.

Noon... pag sinabi ng magulang mo na uwi, uuwi ka na.
Ngayon... pag sinabi ng magulang mo na uwi, malamang mapaos ang boses ng nanay mo sa tigas ng ulo mo.

Noon... nasubukan kong manood ng double picture sa sinehan, minsan triple picture pa.
Ngayon... pagkatapos ng pelikula, palalabasin ka na.




Noon...pag may game & watch ka, sikat ka.
Ngayon... kahit naka gameboy ka pa, laos ka. Dapat mag PSP na.

Noon...kapag magkikita kayo ng gf o bf mo sa ganitong oras at lugar, dapat dun ka lang.
Ngayon... dahil sa cellphone, kahit bigla mo ikansel ang date nyo, ok lang.




Noon... ganda ng porma kapag islander o beachwalk ang tsinelas.
Ngayon...ipon ka ng isang libo para makabili ng havainas.




Noon...pag showbiz balita, nag-iisa lang ang Inday Badiday.
Ngayon... magsasawa ka sa pagmumukha nila mula kay Boy Abunda hanggang kay Tetay.

Noon... si Superman ang hero ko.
Ngayon... si Totoy Bato.

Noon... piko, taguan, base to base at patintero lang solve ka na.
Ngayon... 5 oras ka na sa computer shop, nagrereklamo ka pa.




Noon... ang magsyota nagmimit sa simbahan.
Ngayon... sa motel na nagkikitaan.

Noon... para makapagsuot ng hikaw, nagpapabutas ng tenga.
Ngayon... anng mga !*#@, di pa nakuntento sa isa!

Noon... Lolit Solis, Gabby Concepcion, Ruffa Gutierrez, Gretchen Barreto, Filmfest Scandal.
Ngayon... Ethel Booba, Criselda Volks, Katrina Halili, Sex Scandal.




Noon...kabataan daw ang pag-asa ng bayan.
Ngayon... sagot sa kahirapan, lotto ang kailangan.


Noon... pag nagbabasa ka ng ganito, corny.
Ngayon...sasabihin mo sa gumawa nito, galing mo, grabe!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento