Lunes, Abril 6, 2009

Balik-Tanaw sa Nakaraan (Unang Bahagi)

Sa aking pagmumuni-muni nitong mga nakakaraang araw, sa paghahanap ng materyales na mailalathala dito sa aking blog, ay sumagi sa aking isipan ang aking nakaraan. Nakaraang puno ng di- makakalimutang mga pangyayari sa aking buhay. Nakaraang batbat ng kalokohan. Nakaraang tigib ng luha at tuwa. Siguro nga ay napapanahon na ito'y muling sariwain ngayong panahon ng kuwaresma (anong konek?). Samahan mo ako sa pagbuklat ng pahina ng aking buhay at nawa'y makapagbigay ng munting kasiyahan(malamang), kaalaman(depende) at aral(meron ba?).




* ASO - ayon sa kwento ng aking mga magulang, ako'y isinugod sa pagamutan ng MaryJohnston sa Tondo dahil sa di mapigilang pagtaas ng lagnat. Ilang araw din akong naglagi sa ospital na iyon ngunit hindi pa rin mapawi ang aking karamdaman. Naisipan ng aking mga magulang na magtungo sa simbahan ng Tondo at doo'y nangako na gumaling lang ako ay magiging panata ko na magsimba doon tuwing aking kaarawan o pista ng Sto.Nino. Agad naman akong gumaling ngunit hindi dahil sa gamot kundi sa pagtawas sa akin na natuklasang ako daw ay natakot sa aso!

* SANTA CLAUS - matagal din akong naloko na totoo si Santa Claus. Marami rami din akong nakaaway sa pakikipagtalo tungkol sa kanya. Sabi ko, lahat ng hinihiling ko ay sa kanya ko lang sinasabi. Natigil lamang ako ng makita ko si Daddy na umakyat ng bubong at may inilalagay sa aking medyas.




* SUPERMAN - Kauna-unahang pelikulang napanood ko sa sinehan. Naaalala ko pa na hindi kami naupo ng tita ko kundi nakatayo kami malapit sa pinto dahil takot daw ako sa dilim.




* MENUDO - Unang hinangaan kong grupo. Katunayan ay mayroon pa akong laminated posters nila (original group). Mayroon din akong plaka nila (yun pa uso non) na pinapatugtog ko tuwing umaga.

* SGT. AT ARMS - Ito na yata ang nakatatak sa akin magmula nung grade 1 hanggang high school. Kunsabagay, hindi naman ako na nonominate bilang pangulo o pangalawang pangulo. Teka, nung grade 4 nga pala naging escort ako. Maiba naman.

* FOLK DANCE - Naging dancer din ako nung grade school. 2 taon akong sumayaw ng "Pandanggo sa Ilaw", "Maglalatik", "Tinikling" at kung anu ano pa. Si Ms. Shiela Popes nga pala ang madalas kong kapareha noon (special mention ka ha!).

* CHOIR - Versatile to brod. Naging miyembro rin ako ng choir mula grade school hanggang high school. Ang aming nag-iisanng mentor ay si Mr. Deleon na naging instrumento upang mahubog ang aming kaalaman sa pag-awit. Di ko rin mabilang ang tropeong aming naiuwi mula municipal hanggang division level.

* GEMELSAMISOKIVON - Aking ipakikilala ang mga taong naging bahagi ng aking buhay estudyante. roMEL & ramMEL, SAMuel, chrIS, lOKI, lex VON. Syempre yung GE ako yun.

* HORROR BOOTH - 1992 Foundation Day ng aming alma mater. We came up with an idea na magtayo ng horror booth para maiba naman sa traditional na Marriage booth at kung ano pa. Isang malaking classroom na inayusan namin upang maging horror house. Nag record pa kami ng backround music para mas lalong nakakatakot. As it turned out, talagang naging controversial ang aming booth hindi dahil sa haba ng pila kundi sa dami ng hinimatay na sinasabing nakakita daw talaga sila ng multo sa loob ng aming booth.

* BLOUSE - Kami ng kaibigan kong si Omel ay nakaupo sa ikalawang row sa likod ng mga babae. Dala ng kalokohan, ang babaeng nakaupo sa harapan namin ay aming pinagtripan. Nais naming malaman kung siya ay nagpapalit ng blouse araw-araw kaya't naisipan naming sulatan ng ballpen ang kanyang likuran. Presto! Kinabukasan ay nandun pa rin ang iginuhit naming ballpen! Sino sya? Abangan!

Nag-uumpisa pa lang po tayo. More intriguing revelations, next!

1 komento:

  1. ayos! pang-celebrity ka talaga: the untold stories of JGG.

    keep writing!

    TumugonBurahin