Lunes, Nobyembre 16, 2009

Patawa Muna!

Sabi nila, ang katatawanan ay mabisang gamot. Gamot saan? Bukol, UTI, galis o pagtatae. Ah! gamot daw sa kalungkutan o depresyon! Kahit saglit na oras lamang ay maisantabi ang pighati at mapalitan ng ngiti. Kalokohan, kabalastugan o katarantaduhan man, i-enjoy mo lang. Mas masarap kung ikaw ang tumatawa kesa ikaw ang pinagtatawanan.

Simulan mo na at harinawang mapasaya kita!


Anak: Tay, totoo po bang may multo?
Tatay: Anak walang multo! Bakit mo naitanong?
Anak: Sabi kasi ni yaya merong multo.
Tatay: Anak.... Tangina naman, wala tayong yaya!
______________________________________________

Mag-ama nakasakay sa barko habang bumabagyo...
Anak: Tay! Nag-aalala po ako. Parang lulubog ang barko.
Tatay: Tanga! Ba’t ka mag-aalala eh di naman atin to!
_____________________________________________________

Isang binata naputulan ng parehong braso, pagdating sa ospital,

Binata: Doc gamutin nyo po ako naputol parehong braso ko.
Doc: Mga anong oras ka ba naputulan?
Binata: Mga 10 oras na po.
Doc: 10? Eh bakit ngayon ka lang pumunta dito?
Binata: HALLER! Mahirap kayang pumara ng jeep!
_____________________________________________________

Son to dying father;

Anak: Itay, ano po ang gusto n’yo, magpalibing ba o magpa-cremate?
Ama: Ikaw na bahala, anak, I surprise mo na lang ako.
_____________________________________________________

Rene: Dok, bakit lagi akong natatae kapag 6:00 a.m.?
Dok: Aba! Ok! Mabuti nga yan. Anong problema mo dun?
Rene: 7:30 a.m. kasi ako nagigising, Dok.
_____________________________________________________

Job Interview

Boss: Ano ang alam mo?
Rommel: Alam ko po kung saan kayo nakatira ng misis n’yo at kung saan nakatira ang kabit n’yo.
Boss: Tanggap ka na!
_____________________________________________________

Dalawang holdaper sa bangko;

Holdaper #1: Yehey! Mayaman na tayo!
Holdaper #2: Bilangin mo na!
Holdaper #1: Alam mo namang mahina ako sa Math. Abangan na lang natin sa balita kung magkano!
_____________________________________________________

Pedro: Galing ako sa doktor, nakabili na ako ng hearing aid. Grabe ang linaw ngayon ng pandinig ko!
Juan: Wow galing! Magkano bili mo sa hearing aid?
Pedro: Kahapon lang!
_____________________________________________________

Mister: Ano ang pagkain natin?
Misis: Nasa mesa, bahala ka ng pumili.
Mister: Isang pirasong tuyo? Ano ang pagpipilian ko?
Misis: Pumili ka kung kakain ka o hindi!
_____________________________________________________

Toto: Pangarap ko, kumita ng P250,000 monthly gaya ni Daddy!
Juvy: Wow! Ganyan kalaki ang kinikita ng Daddy mo?
Toto: Hindi! Ganyan din ang pangarap niya!
_____________________________________________________

Boy: Nay, muntik na kong mag top one sa klase!
Nanay: Ba’t mo naman nasabi?
Boy: Ini-announce kasi kanina yung top one sa klase, ang itinuro ni mam yung katabi ko. Muntik na ako!





Sana'y ngiti ang namutawi sa iyong mga labi! Hanggang sa muli at ako'y kanina pa naiihi!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento